Hindi ko kailangan ng taong kayang ibigay sa akin ang lahat.
Dahil ang kailangan ko ay yung taong kayang iparamdam sa akin
na mas importante ako kaysa sa lahat.
Ang pag-ibig ay parang isang pangako. Kailangan mo itong tuparin at kahit anong mangyari, hindi mo ito pwedeng kalimutan.
Masakit magmahal, nangako ako na hindi na ito mauulit kahit kailan, pero, noong ika’y nakita’t nakilala, paninindigan ko’y nawala, at nasabing handa na akong muling masaktan.
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Mas magandang mapalungkot mo ang isang tao dahil sa sinabi mo sa kanya ang totoo, kesa mapaiyak siya kasi nalaman pa niya ito sa ibang tao.
Masakit maging kaibigan ang taong mahal mo. di mo alam kung saan ka dapat lumugar. Bawal mainis at lalong bawal umasa. Bakit? Ano ba karapatan mo? Kaibigan ka lang di ba?
Sana ang pag-ibig parang sukli sa jeep. Kahit ipasa pasa ka pa sa maraming tao, kukunin at kukunin ka pa rin ng tunay na nagmamayari sayo.
No comments:
Post a Comment